Ensiklopedya sa Chess 2

Ensiklopedya sa Chess 2

Ensiklopedya ng mga Kombinasyon sa Chess Bol. 2 (ECC Bol. 2)

Ang laman ng programa ay hindi lahat nakasalin sa Filipino. Ang nilalaman at pagsasanay ay nakasalin, ang mga teoryang leksyon ay nasa English.

Ensiklopedya ng mga Kombinasyon sa Chess Bol. 2 (ECC Bol. 2) ay ang pangunahing gamit para matuto ng maayos, at ang nilalaman ay maingat na pinili para sa manlalaro na may ELO 2200. Ang materyal ay batay sa pinakabagong edisyon ng may tatak na pinakamabentang libro na pinalabas ng Chess Informant. Ang buong bahaging ito ay naglalaman ng mga kombinasyon sa chess sa Bihasang Antas (ELO 2200) na pagsagot, lahat ay piniling mabuti at inayos ayon sa tema para mabigyan ka ng mas kapana-panabik at mabuting karanasan sa pagsasanay! Di tulad ng desorganisadong mga panimulang taktika na makikita sa internet, itong Chess Sphinx ay maghahamon sa iyo parati ng may sistema, at ilalatag ang mga bagong palaisipan kapag pinili mong mahusay ka na sa isang partikular na taktika.

Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.

Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.

Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.

Nakapaloob din sa programang ito ang teoretikal na bahagi na nagpapaliwanag sa mga pamamaraan sa ilang yugto ng laro base sa totoong halimbawa. Ang teorya ay ipinapakita sa paraan ng pakikipag-ugnayan. Kumbaga, hindi ka lamang nagbabasa kundi ginagawa mo din ang pagkilos ng pyesa sa board at paghahanap ng solusyon sa mga hindi siguradong kilos ng mga pyesa.

Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Teoretikal na leksyon sa pakikisalamuha
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS at Web

Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Pagsira sa depensa
2. Pagbarikada
3. Pagtanggal ng harang
4. Pagpapalantad
5. Nadiskubreng atake
6. Pagkulong
7. Pagwasak sa ayos ng kawal
8. Pain
9. Pagbara
10. Dobleng-atake

Ensiklopedya sa Chess 2 Video Trailer or Demo

Advertisement

Download Ensiklopedya sa Chess 2 1.5.6 APK

Ensiklopedya sa Chess 2 1.5.6
Price: Free
Current Version: 1.5.6
Installs: 10000
Rating average: aggregate Rating (5.0 out of 5)
Requirements: Android 4.1+
Content Rating: Everyone
Package name: com.chessking.android.learn.informant2
Advertisement

What's New in Encyclopedia-Chess-Informant-2 1.5.6

    * Redesigned app screens. You can set avatars now. Feel free to share your comments!
    * Added new piece theme - "Kosal".
    * Added colored King icon to indicate side to move in puzzles.
    * Added popping up "Next" button after a puzzle.
    * Improved lesson's exercises screen
    * Improved tasks share option.
    * Fixed dark screen in Practice on Android 11.
    * Various fixes and improvements