Simpleng Depensa (Chess)

Simpleng Depensa (Chess)

Ang kursong ito ay may mahigit 2800 pagsasanay para sa iba-ibang piyesa

Kung ikaw ay baguhan, kailangan mong pag-aralan kung paano depensahan ang iyong mga piyesa para hindi makuha! Bawat manlalaro ng chess ay kailangang magsanay ng mabuti at patibayin ang panimulang depensa tulad ng pag-urong o pagprotekta sa ibang piyesa, paghadlang o pag-atake sa piyesa ng kalaban. Sa pagpapatibay ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa maraming pagsasanay, mapapataas mo ang iyong antas sa paglalaro. Ang kursong ito ay may mahigit 2800 pagsasanay para sa iba-ibang piyesa. Dahil sa ganitong kasangkapan na may ganoong dami ng pagsasanay ay mapapabuti at mapapabilis ang pagsasanay ng mga baguhan.

Ang kursong ito ay serye ng Pag-aaral ng Chess King (https://learn.chessking.com/), na walang kasing katulad sa pamamaraan ng pagtuturo. Nakapaloob dito ang taktika, stratehiya, panimulang hakbang, kalagitnaan ng laro, at pagtatapos ng laro, sa magkahiwalay na antas mula sa baguhan hanggang sa bihasa at kahit na sa mga propesyonal na manlalaro.

Sa tulong ng kursong ito, mapapahusay mo ang iyong kaalaman sa chess, matutunan ang mga bagong taktika at kombinasyon kalakip na ang kasanayan mula sa nakuhang aral.

Ang programang ito ay kumakatawan bilang tagasanay na nagbibigay ng gawaing dapat lutasin at tumutulong din sa paglutas kung sakaling ikaw ay hindi makausad. Ito ay magbibigay sa iyo ng mungkahi, paliwanag at magpapakita ng di pangkaraniwang pagkontra sa mga pwedeng mangyaring pagkakamali.

Pakinabang ng programa:
♔ Dekalidad na mga halimbawa, ito ay wasto dahil lahat ay sinuri ng mabuti
♔ Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kilos na iniuutos ng tagapagturo
♔ Iba-ibang antas ng mga kumplikadong gawain
♔ Ilang layunin na kailangang maabot
♔ Nagbibigay ng babala kung may nagawang mali
♔ Para sa karaniwang maling kilos, may makikita kang palatandaan
♔ Pwede kang makipaglaro sa kompyuter sa kahit anong posisyon ng mga gawain
♔ Maayos na talaan ng nilalaman
♔ Sinusubaybayan din ng programa ang pagbabago sa grado (ELO) ng manlalaro sa pag-aaral
♔ Madaling kaayusan para sa pagsusuri
♔ Pwede mong lagyan ng palatandaan ang mga paborito mong pagsasanay
♔ Ang aplikasyon ay mai-aakma sa malaking iskren ng tablet
♔ Tinitiyak na tao ang sumalin nito sa Filipino at hindi kompyuter
♔ Hindi mo na kailangan ng koneksyon sa internet para sa aplikasyon na ito
♔ Pwede mong i-link ang app sa iyong libreng Chess King at pwedeng magkasabay na sagutan ang isang kurso sa ilang instrumento tulad ng Android, iOS at Web

Ang kurso ay mayroon ding libreng bahagi na kung saan pwede mong suriin ang programa. Gumagana ang lahat ng leksyon sa libreng bahagi. Hinahayaan kang masuri ang aplikasyon bago binibigay ang sumusunod na paksa:
1. Pag-urong
2. Pagdepensa sa ibang piyesa
3. Pagkuha sa umaatakeng piyesa
4. Paghadlang
5. Depensa sa pagkabitag
6. Mahirap na antas

Simpleng Depensa (Chess) Video Trailer or Demo

Advertisement

Download Simpleng Depensa (Chess) 1.5.6 APK

Simpleng Depensa (Chess) 1.5.6
Price: Free
Current Version: 1.5.6
Installs: 50000
Rating average: aggregate Rating (4.6 out of 5)
Rating users: 496
Requirements: Android 4.1+
Content Rating: Everyone
Package name: com.chessking.android.learn.simpledefense
Advertisement

What's New in Simple-Defense-Chess-Puzzles 1.5.6

    * Redesigned app screens. You can set avatars now. Feel free to share your comments!
    * Added new piece theme - "Kosal".
    * Added colored King icon to indicate side to move in puzzles.
    * Added popping up "Next" button after a puzzle.
    * Improved lesson's exercises screen
    * Improved tasks share option.
    * Fixed dark screen in Practice on Android 11.
    * Various fixes and improvements